Saturday, July 26, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan

Mga Sinaunang Kabihasnan

Kabihasnan sa Mesopotamia
Heograpiya     
      Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukan ng Taurus sa hilaga at ng Kabundukang Zagros sa silangan. Ang hangganan ng Mesopotamia sa timog ay ang Disyerto ng Arabia at sa timog-silangan ay ang Golpo ng Persia.

      Ang pangalang Mesopotamia ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "Lupian sa pagitan ng Ilog". Ang itinutukoy na dalawang Ilog ay ang Ilog ng Tigris at Ilog ng Euphrates. Bahagi  ang Mesopotamia sa Fertile Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog.
Ang mapa ng Fertile Crescent
Credits: Google.
com
Pagbuo ng Lungsod-Estado sa Sumer      
      Sa paglipas ng panahon, ang maliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia ay nagsanib upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng Uruk, Kush, Lagash, Umma at Ur. Ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeryano ay pinamumunuan ng mga pari na naninirahan sa mga templo na tinatawag na Ziggurat. Ang mga pari ang nagsilbing tagapamagitan at tagapag-ugnay ng mga tao sa mga diyos at tagapamahala rin sa pagbuo ng irigasyon. Gayunman, dulot na rin ng madalas na pakikidigma, unti-unting napalitan ang mga pari ng mga pinuno ng mga hari. Mula 3000 hanggan 2500 BCE, napasailalim sa pamumuno ng mga hari ng mga lungsod-estado ng Sumer.

       Ang Sumer ay napapangkat sa apat. Ang unang pangkat ay napapabilangan ng pari at hari. Ang ikalawang pangkat naman ay binubuo ng mayayamang mangangalakal. Ang ikatlong pangkat ay binubuo ng mga magsasaka at artisano. At ang ikaapat ay binubuo ng mga alipin.

Ang mga unang Imperyo 

Akkadian- sinakop ang lungsod-estado ng Sumer.
                 - pinamumunuan ni Sargon the Great.

     
Busto ni Sargon the Great
Credits: Google.com



































































































































































































































Babylonian- mga Amorites na nagtatag nga kabisera ng Babylon. Nakamit nila ang rurok ng kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi.

Busto ni Hammurabi
Credits: Google.com






                  















Assyrian- sinakop ang lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia. Nagwakas ang kanilang imperyo dahil natalo sila ng mga Chaldean.

Chaldean- tinalo ang mga Assyrian sa labanan. Itinatag nila ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Ang tanyag nilang hari ay si Nebuchadnezzar dahil sa pinapagawa niyang Hangig Gardens.

Busto ni Nebuchadnezzar
Credits: Google.com



















Relihiyon
      Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya. Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng pinaniniwalaan nilang 3,000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay. Ang pinakamakapangyaihan nilang diyos ay si Enlil, ang diyos ng hangin at ng mga ulap. Si Shamash naman ang diyos ng araw na nagbibigay ng kaliwanangan at si Inanna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Ang pinakamababa naman sa antas ng mga diyos ay ang masasamang Udong na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.

Talasaysayan

Artisano- taong may kasanayan sa paglikha.
Fertile Crescent- lupain sa paligid ng Ilog Euphrates at Ilog Tigris.
Lungsod-Estado- isang yunit pampolitika nabinubuo ng isang lungsod at ng mga lupaing napakapalibot nito.
Ziggurat- isang templo na gawa ng laryo; ang anyo nito ay hagdan-hagdan kung saan malapad ito sa baba at kumikitid habang tumataas.


Kabihasnan sa Egypt 
Busto ni Menes
Credits: Google.com


      Sa simula, nahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod lamang ang dalawang kahariang ito sa ilalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE. Itinatag ni Menes ang kabisera sa Memphis at itinatguyod ng unang dinastiya sa Egypt. Sa paglipas ng 2600 taon, nagkaroon ng 31 dinastiya na namumunosa kaharian. Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo: ang Lumang Kaharian, Gitnang Kaharian, at Bagong Kaharian.






 Ang Lumang Kaharian
Busto ni Paraon Djoser
Credits: Google.com
   Dito nagsimulang tawaging paraon ang pinuno ng kaharian na itiunturing din na isang diyos ng mga tao kaya ganap na kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt. Tungkulin din ng mga paraon na pngangalagaan ang kahariang mula sa mananakop at tungkulin din niya ang pagsasaayos ng transportasyon, komunikasyon, at pakikipagkalakalan sa ibang mga bayan. Tinatawag din "Panahon ng Piramide" ang Lumang Kaharian. Ito ay dahil sa panahong ito nagsimulang magpatayo ng mga paraon ng mga libingan na hugis piramide. Ang unang piramide na ipintayo ay ag ipinitayo na piramide ni Paraon Djoser na bai-baitang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.



Ang Gitnang Kaharian
Busto ni Mentuhotep II
Credits: Google.com
     Napag-isa ang Egypt sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II. Muling pinalakas ng paraon ang sentralisadong pamamahala gayundin ang kalakalansa ibang mga lupain. Kilala rin itong Gitnang Kaharian bilang "Panahon ng Maharlika" dahil ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika.
  



  



Ang Bagong Kaharian 
Busto ni Ahmose I
Credits: Google.com

     Sa panahon ito napatalsik ni Ahmose I ang mga Hykos, sinakop din ni Ahmose I ang Nubia at Canaan. Tinatawag din ang Bagong Kaharian na "Panahon ng Imperyo". Sa panahong ito naging paraon si Reyna Hatsepshut na naging unang babaeng paraon. Sinakop din ni Thutmose III sa panahong ito ang Ehispiyo mula Ilog ng Euphrates sa silangan hanggang sa timog ng Nubia. Si Tutankhamun naman ang pinakabatang paraon na naging misteryoso ang pagkamatay. At si
Rameses II naman ang naggawa ng Pi-Rameses, Abu Shabel, at Templo ng Ramessium
  
  

Relihiyon
Dioses Egipcios
Credits: Google.com

 Mahigit 2000 ang kanilang mga diyos ng mga Ehispiyu.
  Mga Diyos: Montu, Mut, Neftis, Net, Nut, Osirirs, Ptah, Ra, Satet, Sejmet, Serket, Seshat, Seth, Shu
atbp.







Ra- Diyos ng Araw
Credits: Google.com


Horus- Diyos ng liwanag
Credits: Google.com



Isis- Diyos ng mga Ina
Credits: Google.com

    
Naniniwala rin sila kung sila ay mamatay sila ay mapupunta sa Paraiso o sa Mangangain ng Kaliluwa.


Ang Pinakalaking Piramide sa Egypt ay pinatayo ni Cheops(Khofu) na may taas na 40 palapag at may lawak na 13 arcres.

Khofu's Pyramid
Credits: Google.com














Hieroglyphics-sistema ng kanilang pag-sulat.
                                   -ang papel nila ay galing sa Papyrus Reeds.

Hieroglyphics
Credits: Google.com
Papyrus Reeds
Credits: Google.com
 


 Heometriya- kanilang agham at teknolohiya.
Heometriya
Credits: Google.com













 Talasaysayan

Hieroglyphics- sistema ng kanilang pag-sulat.
Papyrus Reeds- halamang ginagamit sa paglikha ng papyrus na papel.
Paraon- tawag sa pinuno na politikal at panrelihiyon ng mga Ehispiyo na nangunguhulugang "dakilang buhay".
Piramide- libingan ng mga paraon.
Silt- binuo sa buhangin at putik.



Kabihasnan ng India 
Heograpiya
Grid System ng lungsod ng Mohenjo-Daro
Credits: Google.com
      Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligigd ang kabundukan ng Hindu Kush, Karakoram, at Himalaya na pinahmumulan ng tubig ng ilog. Pinagigitnaan naman ng Disyerto ng Thar sa silangan at ng mga bulubundukin ng Sulayman at Kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamamahayan ng mga tao.
     Noong 2500 BCE. naglatag naman ang mga taga-Indus ng mga lungsod ng gawa sa laryo.
Ang pinakamalaking lungsod naman ay ang lungsod ng Kalibangan, Mohenjo-Darro, at Harappa. Ang mga pangunahin nilang produkto ay trigo, barley, palay,  at bulak. Nag-aalga din sila ng mga baka, kambing, tupa, kalabaw, at elepante.

     Nagkalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid system, kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain ng pagtatayuan ng mga tahanan at iba pang estruktura.

Panahong Vediko ng mga Aryano

     Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500 BCE. Ang tanging tala ng kanilang buhay ay mahahalaw sa mga Vedas.


Antas ng mga tao sa Lipunan
     Ang mga Aryano na nagpasimula ng sistemang kasta (caste system) na ang layunin ay inihiwalay ang mga Aryano sa nasakop nilang Drabidyano. Nahati sa tatlong bahagi ang Aryano: ang mga Brahmin, binuo ng kaparian; ang mga Kshatriya, binubuo ng pinuno at mandirigma; at ang mga Vaishya, binubuo ng mga mangagalakal at magsasaka.

  Panitikan 
Magkakapatid na Pandavas
Credits: Google
     Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India--ang Mahabharata at Ramayana. Nabuo ang Mahabharata ng 1000 hanggang 700 BCE.  Inilalahad sa Mahabharata ang digmaan na pinamumunuan ng limang magkakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra/Yudhisthira, Bhima, Arjuna, Nakula, at Sahadeva.





Pananampalatay ng mga Aryano
     Pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Ayon sa kanila ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Sinsuri ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads. Ang Upanishads ay kalipunan na diyalogo ng isang guro. Sa paglaganap ng relihiyon ng mga Aryan at ng kanilang sistemang kasta, maraming tao ang tutol sa patakaran. Dahil dito, dalawang relihiyon ang sumibol bilang pagtutol sa Hinduismo. Ito ay ang Buddhismo at ang Jainismo.

Buddhismo
Buddha
Credits: Google.com
     Isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.
Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.[1] Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāņa.[2]
Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan etc.)
(C)http://tl.wikipedia.org/wiki/Budismo


Jainismo
Jainism
Credits: Google
      Isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:
  1. Ahimsa (kawalang-karahasan)
  2. Satya (katotohanan)
  3. Asteya (katapatan)            (C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Hainismo
  4. Brahmacharya (kabirhenan)
  5. Aparigraha (karalitaan) 

Imperyo ng Maurya
    
Naging hari ng Magdha si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinuno militar na nagpatalsik ng pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Pinalaki din niya ang sakop ng kaharian at itinatag ang imperyong Maurya.



Chandragupta Maurya
Credits: Google.com



 Imperyong Gupta
     Pagkatapos ng 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kahariang Magdha.Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag na imperyong Gupta noong 320 CE. 


Talasaysayan

Grid System- estilo ng pagpaplano na ang mga kalsada ay tuwid at pumapalibot sa kuwadradong 
lupa.
Nirvana- paglaya sa pagkamakasarili at paghihirap.
Vedas- koleksyon ng mga panalangin, ritwal, at mahika ng mga Aryano.


Kabihasnan ng China
Heograpiya 
     Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan ng China. Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko. Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang mga kagubatan ng timog-silangang Asya.

Mga Unang Distiya  

Dinastiyang Hsia- ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko. 

Haring Yu
Credits: Google.com

  
Dinastiyang Shang- pinalitan ang Dinastiyang Hsia. Meron silang Oracle Bones na naging ebidensya ng kanilang sistema sa pagsulat.

Dinastiyang Zhou- napatalsik nila ang Dinastiyang Shang. Ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tiam Ming o "mandato ng langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.

Dinastiyang Qin- nagtagumpay sa mga nagdidigmaan estado at pumalit sa dinastiyan Zhou. At ang pinuno naman dito ay si Shi Huangdi na nangunguhulugang unang emperador.
Qin Shi Huang Di
Credits: Google.com

 
Meron Pilosopiyang lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya
Ang mga pilosopiyang ito ay:            
Confucianismo- ipinanganak noong 551 BCE
Taoismo- itinuro ito ng pilospong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 BCE.
 Legalismo- sina Hasnfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo.


Talasaysayan
   
 
Emperador- pinuno ng isang malawak na estado o imperyo.
Luad- uri ng putik na ginagamit sa paglikha ng mga palayok at atbp. kagamitan.
Warlord- pinunong militar na may kontrol sa isang relihiyon.


  Iba Pang Kabihsnan sa Asya




Ang Mga Hitito
Hitito
Credits: Google.com
     isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na nagsasalita ng Wikang Hitita. Nagtayo sila ng kahariang tinawag na Kahariang Hitita. Tinawag din silang Imperyong Hitita noong ika-14 na siglo BCE, nang masakop nila ang buong Anatolia, hilagang-kanluran ng Siria hanggang sa Ilog Litani at sa Hilaga ng Mesopotamya. Isa itong imperyong nasa kinalalagyan ng pangkasalukuyang gitnang Turkiya, at nagtagal ng may 700 mga taon, mula mga 1900 BK magpahanggang 1200 BK.[1] Sa kasalukuyan nasa Museo ng mga Kabihasnan sa Anatolia na matatagpuan sa Ankara, Turkiya ang mga artipakto ng mga Hitita at Anatoliano. (C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Hitita

 






Ang mga Phoeniciano
isang kabihasnan sa hilagang bahagi ng Kanaan, ang banal na lupain para sa mga Kristiyano at mga Hudyo.[2] Umiral ang Penisya magmula 1200 BK magpahanggang 900 BK. Mayroon sariling wika ang mga Penisyo o Penisyano (mga taga-Penisya, Penisyana kung babae), tinatawag na wikang Penisyo, na mahalaga sa napakaraming makabagong mga wika.
(C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Penisya

 
Sasakyang-pandagat ng mga Phoeniciano
Credits: Google.com
    

 














Mga Persyano
Credits: Google.com





Ang mga Persyano
     Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persya ay halaw sa katagang "Persis", bansag sa mga griyego sa lugar na iyon. Sa simula,sumailalim sa makapangyarihang imperyo ng Assyria ang Persia hanggang sa taong 612 BCE. Kalaunan tinalo nila ang imperyo ng Assyria at lumaya sa pananakop nito.












Talasaysayan

Alpabeto- sistema ng pagsulat ng sinimulan ng Phoeniciano.
Eskriba- kalihim na tagasulat ng mga ulat ng pamahalaan.

Satrap- salitang Persyano na ang kahulugan ay gobernador


Ang Mga Kabihasnan ng America


Ang mga Olmec
Tinatawag na Olmec o Taong Goma o Rubber People ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng golopo ng Mexico noon 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang "Base Culture" ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nalikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.
Busto ng Olmec
Credits: Google.com
 






















Ang mga Teotihuacano 
Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinataguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan.Ang Teotihuacan ay kinikilala bilang unang lungsod sa America. Ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.

Teotihuacano
Credits: Google.com

Ang Mga Mayan

     Nagsimula sumibol ang kabihasnang Mayan sa mga pamamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chicen Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America

Kabuhayan
      Pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan. Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela, pagpapalayok, at pag-ukit sa Jade, Obsidian, Kahoy, Kabibe, at Bato. Ang mga produktong kanilang nagawa ay ikinakalakal sa ibang mga lungsod.

                                                                                                       
 
 Relihiyon 
     Politeistiko ang mga Mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay. Sumasamba sila sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain, bulaklak, at insenso. May pagkakataon din na nag-aalay sila ng tao sa mga "CENOTE", isang malalim na balon, bilang sakripisyo sa kanilang diyos.







Ang Mga Aztec 
      Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong panrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.
(C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Aztec

Ang Mga Inca
     Sa South America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Umabot ang teritoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador, at mga bahagi ng Chile at Argentina. Ang impertong ito ay tintawag na Inca.

Talasaysayan 

Terracing- paraan ng pagsasaayos ng lupain upang pagtaniman
Tributo- kabayarang binibigay ng isang nasakop ng lugar kapalit ng kapayapaan at proteksiyon
Base Culture- pinakaunang kultura at pinagbasehan ng mga sumunod na kultura at kabihasnan


Kabihasnan ng Africa 
Ang Mga Kushite
     Napasailalim sa kapangyarihan ng Ehispiyo ang rehiyon ng Nubia na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinagharian sila ng mga Ehispiyo, unti-unting nakamit ng mga Kushiteang kanilang kalayaan. Pinalakas pa ng mga Kushite ang kanilang hukbo at nasakop nila ang Egypt. Kinilala si Haring Pianki bilang unsang pinuno ng imperyong Kushite.
Haring Pianki
Credits: Google.com
 






















Ang Mga Aksumite
     Ayon sa alamat, ang pagkatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng reyna Sheba at ni haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagabg-silangang bahagi ng Africa. Mula 1 BCE hanggan 7 CE, napanatili ng kaharian ang kapangyarihan nito sa pamamgitan ng pakikipagkalakalan. Ang lokasyon ng kaharian ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal na naglalayag sa Red Sea at Karagatang Indian. Ang mga mangangalakal na ito ay mula sa iba't-ibang lupain tulad ng Egypt, Persia, Rome, Arabia, at India; at ang mga pangunahin nilang kalakal ay asin, ginto, garing, sungay ng rhinoceros, tela, alak, brass, tans, at bakal.
Templo ng Aksumite
Credits: Google.com
Ang Imperyo ng Pangkalakalan
      Ang kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, lumago ang mga pamayanan sa Africa na naging mga imperyo. Ito rin ang nagsilbing paraan upang ikalat ang relihiyon, sining, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.




Mapa ng Ghana
Credits: Google.com

Ang Ghana
     Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ay ang pagsasaka at pagpapanday. Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sagandaan ng kalakalan sa Africa.  




















                                                                                          Ang Mali
Mapa ng Mali
Credits: Google.com
    Lumitaw ang Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata, naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop.







Mapa ng Songhai
Credits: Google.com



Ang Songhai 
     Bumuo ng isang hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Africa.


  



Ang mga Hausa 
     Ang mga Hasua ay dating sakop ng mga Songhai. Nakamit lamang nila ng kanilang kalayaan nang humina ang imperyong Songhai. 

Ang mga Benin 
     Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Niger. Noong ika-15 na siglo, lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni haring Ewuare.

Talasaysayan 

Arches- kurbadong estruktura na nagsilbing suporta sa bigat ng nasa ibabaw tulad ng tulay o pintuan.
Colonnade- estruktura na uportado ang serye ng mga haligi na maayos na distansya sa isa't-isa.
Animismo- paniniwala sa mga espiritu ng kalikasan.


Ang Kabihasnang Pasipiko - ang rehiyon ng Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Paispiko. Kabilang ang Ploynesia, Micronesia, at Melanesia.

                                                                                         Polynesia
     Ang rehiyon ng Polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibung pulo sa Gitnang Pasipiko hanggang sa  New Zealand. Ang pangalang Polynesia ay galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ibig sabihin ay "pulo".







                                                                                        Micronesia 
     Ang Micronesia ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas. Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na mikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na ibig sabihin ay
"mga pulo."











Melanesia
   
Ang rehiyon ng Melanesia ay matatagpuan sa  Kanlurang Pasipiko. Halaw ang pangalan nito sa mga katagan Griyego na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo."








Talasaysayan

Kava- inumin mula sa ugat ng halaman.
Catamaran- uri ng sasakyang-pandagat na gawa sa pinagdugtong na dalawang bangka. 


(English) I would like to give my credits to the Google, Wikipedia, and Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig 
(Filipino) Gusto kung ibigay ang aking pasasalamat sa Google, Wikipedia, Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig