Mga Sinaunang Kabihasnan
Kabihasnan sa Mesopotamia
Heograpiya
Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukan ng Taurus sa hilaga at ng Kabundukang Zagros sa silangan. Ang hangganan ng Mesopotamia sa timog ay ang Disyerto ng Arabia at sa timog-silangan ay ang Golpo ng Persia.
Ang pangalang Mesopotamia ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "Lupian sa pagitan ng Ilog". Ang itinutukoy na dalawang Ilog ay ang Ilog ng Tigris at Ilog ng Euphrates. Bahagi ang Mesopotamia sa Fertile Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog.
Ang mapa ng Fertile Crescent Credits: Google.com |
Sa paglipas ng panahon, ang maliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia ay nagsanib upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng Uruk, Kush, Lagash, Umma at Ur. Ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeryano ay pinamumunuan ng mga pari na naninirahan sa mga templo na tinatawag na Ziggurat. Ang mga pari ang nagsilbing tagapamagitan at tagapag-ugnay ng mga tao sa mga diyos at tagapamahala rin sa pagbuo ng irigasyon. Gayunman, dulot na rin ng madalas na pakikidigma, unti-unting napalitan ang mga pari ng mga pinuno ng mga hari. Mula 3000 hanggan 2500 BCE, napasailalim sa pamumuno ng mga hari ng mga lungsod-estado ng Sumer.
Ang Sumer ay napapangkat sa apat. Ang unang pangkat ay napapabilangan ng pari at hari. Ang ikalawang pangkat naman ay binubuo ng mayayamang mangangalakal. Ang ikatlong pangkat ay binubuo ng mga magsasaka at artisano. At ang ikaapat ay binubuo ng mga alipin.
Ang mga unang Imperyo
Akkadian- sinakop ang lungsod-estado ng Sumer.
- pinamumunuan ni Sargon the Great.
Busto ni Sargon the Great Credits: Google.com |
Babylonian- mga Amorites na nagtatag nga kabisera ng Babylon. Nakamit nila ang rurok ng kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi.
Busto ni Hammurabi Credits: Google.com |
Assyrian- sinakop ang lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia. Nagwakas ang kanilang imperyo dahil natalo sila ng mga Chaldean.
Chaldean- tinalo ang mga Assyrian sa labanan. Itinatag nila ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Ang tanyag nilang hari ay si Nebuchadnezzar dahil sa pinapagawa niyang Hangig Gardens.
Busto ni Nebuchadnezzar Credits: Google.com |
Relihiyon
Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya. Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng pinaniniwalaan nilang 3,000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay. Ang pinakamakapangyaihan nilang diyos ay si Enlil, ang diyos ng hangin at ng mga ulap. Si Shamash naman ang diyos ng araw na nagbibigay ng kaliwanangan at si Inanna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Ang pinakamababa naman sa antas ng mga diyos ay ang masasamang Udong na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.
Talasaysayan
Artisano- taong may kasanayan sa paglikha.
Fertile Crescent- lupain sa paligid ng Ilog Euphrates at Ilog Tigris.
Lungsod-Estado- isang yunit pampolitika nabinubuo ng isang lungsod at ng mga lupaing napakapalibot nito.
Ziggurat- isang templo na gawa ng laryo; ang anyo nito ay hagdan-hagdan kung saan malapad ito sa baba at kumikitid habang tumataas.
Kabihasnan sa Egypt
Busto ni Menes Credits: Google.com |
Ang Lumang Kaharian
Busto ni Paraon Djoser Credits: Google.com |
Ang Gitnang Kaharian
Busto ni Mentuhotep II Credits: Google.com |
Ang Bagong Kaharian
Busto ni Ahmose I Credits: Google.com |
Rameses II naman ang naggawa ng Pi-Rameses, Abu Shabel, at Templo ng Ramessium
Relihiyon
Dioses Egipcios Credits: Google.com |
Mga Diyos: Montu, Mut, Neftis, Net, Nut, Osirirs, Ptah, Ra, Satet, Sejmet, Serket, Seshat, Seth, Shu
atbp.
Ra- Diyos ng Araw Credits: Google.com |
Horus- Diyos ng liwanag Credits: Google.com |
Isis- Diyos ng mga Ina Credits: Google.com |
Naniniwala rin sila kung sila ay mamatay sila ay mapupunta sa Paraiso o sa Mangangain ng Kaliluwa.
Ang Pinakalaking Piramide sa Egypt ay pinatayo ni Cheops(Khofu) na may taas na 40 palapag at may lawak na 13 arcres.
Khofu's Pyramid Credits: Google.com |
Hieroglyphics-sistema ng kanilang pag-sulat.
-ang papel nila ay galing sa Papyrus Reeds.
Hieroglyphics Credits: Google.com |
Papyrus Reeds Credits: Google.com |
Heometriya- kanilang agham at teknolohiya.
Heometriya Credits: Google.com |
Talasaysayan
Hieroglyphics- sistema ng kanilang pag-sulat.
Papyrus Reeds- halamang ginagamit sa paglikha ng papyrus na papel.
Paraon- tawag sa pinuno na politikal at panrelihiyon ng mga Ehispiyo na nangunguhulugang "dakilang buhay".
Piramide- libingan ng mga paraon.
Silt- binuo sa buhangin at putik.
Kabihasnan ng India
Heograpiya
Grid System ng lungsod ng Mohenjo-Daro Credits: Google.com |
Noong 2500 BCE. naglatag naman ang mga taga-Indus ng mga lungsod ng gawa sa laryo.
Ang pinakamalaking lungsod naman ay ang lungsod ng Kalibangan, Mohenjo-Darro, at Harappa. Ang mga pangunahin nilang produkto ay trigo, barley, palay, at bulak. Nag-aalga din sila ng mga baka, kambing, tupa, kalabaw, at elepante.
Nagkalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid system, kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain ng pagtatayuan ng mga tahanan at iba pang estruktura.
Panahong Vediko ng mga Aryano
Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500 BCE. Ang tanging tala ng kanilang buhay ay mahahalaw sa mga Vedas.
Antas ng mga tao sa Lipunan
Ang mga Aryano na nagpasimula ng sistemang kasta (caste system) na ang layunin ay inihiwalay ang mga Aryano sa nasakop nilang Drabidyano. Nahati sa tatlong bahagi ang Aryano: ang mga Brahmin, binuo ng kaparian; ang mga Kshatriya, binubuo ng pinuno at mandirigma; at ang mga Vaishya, binubuo ng mga mangagalakal at magsasaka.
Panitikan
Magkakapatid na Pandavas Credits: Google |
Pananampalatay ng mga Aryano
Pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Ayon sa kanila ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Sinsuri ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads. Ang Upanishads ay kalipunan na diyalogo ng isang guro. Sa paglaganap ng relihiyon ng mga Aryan at ng kanilang sistemang kasta, maraming tao ang tutol sa patakaran. Dahil dito, dalawang relihiyon ang sumibol bilang pagtutol sa Hinduismo. Ito ay ang Buddhismo at ang Jainismo.
Buddhismo
Buddha Credits: Google.com |
Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.[1] Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāņa.[2]
Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan etc.)
(C)http://tl.wikipedia.org/wiki/Budismo
Jainismo
Jainism Credits: Google |
- Ahimsa (kawalang-karahasan)
- Satya (katotohanan)
- Asteya (katapatan) (C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Hainismo
- Brahmacharya (kabirhenan)
- Aparigraha (karalitaan)
Imperyo ng Maurya
Naging hari ng Magdha si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinuno militar na nagpatalsik ng pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Pinalaki din niya ang sakop ng kaharian at itinatag ang imperyong Maurya.
Chandragupta Maurya Credits: Google.com |
Imperyong Gupta
Pagkatapos ng 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kahariang Magdha.Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag na imperyong Gupta noong 320 CE.
Talasaysayan
Grid System- estilo ng pagpaplano na ang mga kalsada ay tuwid at pumapalibot sa kuwadradong
lupa.
Nirvana- paglaya sa pagkamakasarili at paghihirap.
Vedas- koleksyon ng mga panalangin, ritwal, at mahika ng mga Aryano.
Kabihasnan ng China
Heograpiya
Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan ng China. Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko. Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang mga kagubatan ng timog-silangang Asya.
Mga Unang Distiya
Dinastiyang Hsia- ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko.
Haring Yu Credits: Google.com |
Dinastiyang Shang- pinalitan ang Dinastiyang Hsia. Meron silang Oracle Bones na naging ebidensya ng kanilang sistema sa pagsulat.
Dinastiyang Zhou- napatalsik nila ang Dinastiyang Shang. Ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tiam Ming o "mandato ng langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.
Dinastiyang Qin- nagtagumpay sa mga nagdidigmaan estado at pumalit sa dinastiyan Zhou. At ang pinuno naman dito ay si Shi Huangdi na nangunguhulugang unang emperador.
Qin Shi Huang Di Credits: Google.com |
Meron Pilosopiyang lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya
Ang mga pilosopiyang ito ay:
Confucianismo- ipinanganak noong 551 BCE
Taoismo- itinuro ito ng pilospong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 BCE.
Legalismo- sina Hasnfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo.
Talasaysayan
Emperador- pinuno ng isang malawak na estado o imperyo.
Luad- uri ng putik na ginagamit sa paglikha ng mga palayok at atbp. kagamitan.
Warlord- pinunong militar na may kontrol sa isang relihiyon.
Iba Pang Kabihsnan sa Asya
Ang Mga Hitito
Hitito Credits: Google.com |
Ang mga Phoeniciano
isang kabihasnan sa hilagang bahagi ng Kanaan, ang banal na lupain para sa mga Kristiyano at mga Hudyo.[2] Umiral ang Penisya magmula 1200 BK magpahanggang 900 BK. Mayroon sariling wika ang mga Penisyo o Penisyano (mga taga-Penisya, Penisyana kung babae), tinatawag na wikang Penisyo, na mahalaga sa napakaraming makabagong mga wika.
(C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Penisya
Sasakyang-pandagat ng mga Phoeniciano Credits: Google.com |
Mga Persyano Credits: Google.com |
Ang mga Persyano
Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persya ay halaw sa katagang "Persis", bansag sa mga griyego sa lugar na iyon. Sa simula,sumailalim sa makapangyarihang imperyo ng Assyria ang Persia hanggang sa taong 612 BCE. Kalaunan tinalo nila ang imperyo ng Assyria at lumaya sa pananakop nito.
Talasaysayan
Alpabeto- sistema ng pagsulat ng sinimulan ng Phoeniciano.
Eskriba- kalihim na tagasulat ng mga ulat ng pamahalaan.
Satrap- salitang Persyano na ang kahulugan ay gobernador
Ang Mga Kabihasnan ng America
Ang mga Olmec
Tinatawag na Olmec o Taong Goma o Rubber People ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng golopo ng Mexico noon 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang "Base Culture" ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nalikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.
Busto ng Olmec Credits: Google.com |
Ang mga Teotihuacano
Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinataguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan.Ang Teotihuacan ay kinikilala bilang unang lungsod sa America. Ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.
Teotihuacano Credits: Google.com |
Ang Mga Mayan
Nagsimula sumibol ang kabihasnang Mayan sa mga pamamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chicen Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America
Kabuhayan
Pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan. Mayroon din silang industriya ng paghahabi ng tela, pagpapalayok, at pag-ukit sa Jade, Obsidian, Kahoy, Kabibe, at Bato. Ang mga produktong kanilang nagawa ay ikinakalakal sa ibang mga lungsod.
Relihiyon
Politeistiko ang mga Mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay. Sumasamba sila sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain, bulaklak, at insenso. May pagkakataon din na nag-aalay sila ng tao sa mga "CENOTE", isang malalim na balon, bilang sakripisyo sa kanilang diyos.
Ang Mga Aztec
Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong panrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.
(C) http://tl.wikipedia.org/wiki/Aztec
Ang Mga Inca
Sa South America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Umabot ang teritoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador, at mga bahagi ng Chile at Argentina. Ang impertong ito ay tintawag na Inca.
Talasaysayan
Terracing- paraan ng pagsasaayos ng lupain upang pagtaniman
Tributo- kabayarang binibigay ng isang nasakop ng lugar kapalit ng kapayapaan at proteksiyon
Base Culture- pinakaunang kultura at pinagbasehan ng mga sumunod na kultura at kabihasnan
Kabihasnan ng Africa
Ang Mga Kushite
Napasailalim sa kapangyarihan ng Ehispiyo ang rehiyon ng Nubia na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinagharian sila ng mga Ehispiyo, unti-unting nakamit ng mga Kushiteang kanilang kalayaan. Pinalakas pa ng mga Kushite ang kanilang hukbo at nasakop nila ang Egypt. Kinilala si Haring Pianki bilang unsang pinuno ng imperyong Kushite.
Haring Pianki Credits: Google.com |
Ang Mga Aksumite
Ayon sa alamat, ang pagkatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng reyna Sheba at ni haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagabg-silangang bahagi ng Africa. Mula 1 BCE hanggan 7 CE, napanatili ng kaharian ang kapangyarihan nito sa pamamgitan ng pakikipagkalakalan. Ang lokasyon ng kaharian ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal na naglalayag sa Red Sea at Karagatang Indian. Ang mga mangangalakal na ito ay mula sa iba't-ibang lupain tulad ng Egypt, Persia, Rome, Arabia, at India; at ang mga pangunahin nilang kalakal ay asin, ginto, garing, sungay ng rhinoceros, tela, alak, brass, tans, at bakal.
Templo ng Aksumite Credits: Google.com |
Mapa ng Ghana Credits: Google.com |
Ang Ghana
Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ay ang pagsasaka at pagpapanday. Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sagandaan ng kalakalan sa Africa.
Ang Mali
Mapa ng Mali Credits: Google.com |
Mapa ng Songhai Credits: Google.com |
Ang Songhai
Bumuo ng isang hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Africa.
Ang mga Hausa
Ang mga Hasua ay dating sakop ng mga Songhai. Nakamit lamang nila ng kanilang kalayaan nang humina ang imperyong Songhai.
Ang mga Benin
Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Niger. Noong ika-15 na siglo, lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni haring Ewuare.
Talasaysayan
Arches- kurbadong estruktura na nagsilbing suporta sa bigat ng nasa ibabaw tulad ng tulay o pintuan.
Colonnade- estruktura na uportado ang serye ng mga haligi na maayos na distansya sa isa't-isa.
Animismo- paniniwala sa mga espiritu ng kalikasan.
Ang Kabihasnang Pasipiko - ang rehiyon ng Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Paispiko. Kabilang ang Ploynesia, Micronesia, at Melanesia.
Polynesia
Ang rehiyon ng Polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibung pulo sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand. Ang pangalang Polynesia ay galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ibig sabihin ay "pulo".
Micronesia
Ang Micronesia ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas. Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na mikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na ibig sabihin ay
"mga pulo."
Melanesia
Ang rehiyon ng Melanesia ay matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko. Halaw ang pangalan nito sa mga katagan Griyego na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo."
Talasaysayan
Kava- inumin mula sa ugat ng halaman.
Catamaran- uri ng sasakyang-pandagat na gawa sa pinagdugtong na dalawang bangka.
(English) I would like to give my credits to the Google, Wikipedia, and Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig
(Filipino) Gusto kung ibigay ang aking pasasalamat sa Google, Wikipedia, Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig
Aji Yoaktit: Recipes for Japanese Diced-In
ReplyDeleteWhat titanium flat irons makes chi titanium flat iron a sushi restaurant such a mens black titanium wedding bands hit? It's ford edge titanium 2021 a Japanese restaurant that specializes in seafood, sushi and bbq cuisine. titanium granite